Ling Zhi Chuang Yao Wan
The first time I heard this was from my bestfriend’s cousin named Mary Rose Lara, she’s also petite and when I saw her hindi na sya ganun kapayat, and that made me decided to take this “red capsule”.
1. For 15 pesos each, not that expensive kung sigurado naming effective di bah? The first time I tried, ayun sobrang effective nga, nakakagutom talaga eh ang kaso mo, mag-la-lunch na nun pero dpako makakain dahil naglilipat kami ng gamit nun (that was the time when we are moving into our new house at Molino) ayun pagbaba ko ng jeep sa may Jollibee Kalinisan nanglalabo ang paningin ko, as in madilim tlga pero ramdam ko ang tirik ng araw, wala akong makita pero naglalakad pa rin ako, pinipilit ko ang sarili kong mabuhat ang aking mga paa patungo sa aming bahay…. Patawid na ako nun ng marinig ko na lang ang sigawan ng maraming tao at ang malakas na busina ng jeep… BEEEEEEEEPPPPPP!!!!!!! Muntik na ako masagasaan dahil hindi ko nakita ang sasakyang papalapit kahit pilit ko mang aninagin ang kapaligiran…
It so good that my father saw me then he brought me home..
2. Effective nga siguro kase lahat ng kinakain ko parang dumaraan lang sa bibig at lalamunan ko, hindi ako nakakaramdam ng anumang kabusugan, minsan nga nadalaw ako sa Videocity SM Molino kung saan ako nagtrabaho nuon, nakita ko yung pumalit saking OIC ayun ang laki ng itinaba nya at yun din daw ang ginagamit niya. Natuwa naman ako kaya hindi na per pieces ang binili ko kundi isang bote na naglalaman ng 50 capsules.
Ayun sa halagang 550 pesos, peke pa pala ang nabili ko, hay naku may peke pala nun PIRATED kumbaga.. Kaya pala…
3. Sinubukan kong bumili ulit nuon sa may Chinese drugstore sa ONGPIN, uhmm naglakas loob nkong itanong “ diba may peke nito” ang sabi naman ng tindera, oo marami pero yung samin hindi ah.. subukan ko daw sunugin yung silver na parang metallic foil na may naka-engraved na WISDOM tsaka yung nakasulat na 50 capsules pag ORIGINAL daw kahit masunog yun, babalik pa rin yung nakasulat.. kaya sabi ko naman dahil sa antipatika ako.. “ O SIGE NGA ATE SUNUGIN MO… (aba at susunugin nga ng saleslady) HINDI PO JOKE LANG.. CGE BIBILIN KO NA.. Binili ko na at excited akong umuwi sa bahay, hindi para inumin kundi para sunugin.. at ORIGINAL NGA..
4. BAKIT GANUN? Parang ang bilis ng effect halatang halata nga na bumilog ang pisngi ko, tumambok ang face ko OMG.. pero bakit ganun ang braso ko payatot pa din.. hahahaha at ang tyan ko lang ang lumalaki.. para na kong 3 months pregnant kahit sino magsabi.. nakakainis, hindi proportion kaya ayun sa picture puro mukha na lang ang matambok hahahaha…..
5. Ayun natelevise sa JESSICA SOHO ang “red capsule” ko, walang ingredients ng pampataba, ang ingredients daw may powder ng "ari" ng sea horse ha? maniwala ako.. Oo nga pramis!!! , may steroid daw at wlang BFAD Approved ibig sabihin “ MAY SIDE-EFFECT”… ayoko na nun, baka kung ano pa mangyari sakin..
ANg ENDING.. di bale ng hindi ako tumaba, ang importante wala akong sakit at saka masarap ata maging sexy, kasya kahit saan (sa masikip na eskinita, sa jeep na puno na, sa baby sit ng trycycle at sa upuang siyaman) ha? ang sabi ko SEXY hindi payatot na katulad nito.. hahaha at saka siguro tataba din ako (ewan ko kung kelan) hahahaha HIMALA na pag nangyari yun..
REFERENCE: http://jennilynlacsamana.blog.friendster.com/2007/08/ling-zhi-chuang-yao-wan/